Friday, September 8, 2017

Ang Dating TAYO.


Uumpisahan ko ang aking tula
Sa paglapat ng mga letra
Mga letrang bubuo sa mga salita

Salitang nais ko na sa iyoy ipagtapat
Ngunit hindi ito sapat
Para sabihin sayo na ako sa iyo'y karapat-dapat 

Nawa'y sa pamamagitan ng tulang ito'y mapatawad mo ako
Sa lahat ng salang nagawa ko sa iyo
Gusto ko sanang makausap ka 
Pra ipaliwanag kung bakit ako nawala.

Gusto kong bumalik yung dating TAYO
Yung dating tayo na masaya 
Yung dating tayo  na magkasama sa kahit may problema 
Yung dating tayo sabay bumuo sa mga ala-ala.

Bigyan mo sana ako ng isa pang PAGKAKATAON
Pagkakataong ipaliwanag ang lahat nagawa ko 
Pagkakataong sabihin sayo ang totoo
Pagkakataong makapag-usap tayo kung bakit nangyari ang lahat ng ito.

Iisa lang ang hiling ko sayo 
Ang bumalik yung dating tayo.




Sci-Cheerdance

"Mula School"Pressure takot ,kaba saya  Hindi ko maintindihan mixed emotions  ang aming naramdaman hanggang makarating sa v...