"Maganda pa ang daigdig"
Isang katagang mag iiwan ng katanungan
Maganda pa nga ba ang daigdig?
Ang maikling bidyong ito ay nabuo sa konsepto
ng repleksiyon ng nangyayari sa mundo
partikular na sa ating bansa ang "Droga"
Ang problemang ito ay hindi lamang sa
ating bansa kundi pati na sa buong mundo.
Pero bakit nga ba maraming tao ang nahuhulog
sa bitag ng drogang ito?
Sa palagay ko, kawalan ng maayos na trabaho
ang madalas sanhi nito,dahil sa droga madaling kumita
sa droga madaling makahanap ng pera,dahil sa
maikling panahon lang ay kikita ka na ng malaki pero kaakibat nito
ay pagsira sa kinabukasan ng ibang tao.
Isa pang dahilan ng pag dodroga ay ang depresiyon
o pagkakaroon ng malaking problema para makalimot
dinadaan nalang sa droga at kapag naubusan ng pambili
nagiging sanhi ng mga krimen.
Sa drogang ito hindi lang matatanda ang apektado
ang mas lalong apektado dito ay ang mga kabataang
walang muwang sa mundo na nadadamay dahil sa drogang ito.
Kailan kaya matatapos ito? Magwawakas pa ba ito?
Mga tanong na walang kasiguraduhang sagot.
Pero isa lang ang sigurado, may panahon pa para magbago
sa problema hindi sagot ang droga lagi nating isipin na
mayroon tayong pamilya,Pamilyang iintindi sa ating problema.
Pero isa lang ang sigurado, may panahon pa para magbago
sa problema hindi sagot ang droga lagi nating isipin na
mayroon tayong pamilya,Pamilyang iintindi sa ating problema.
No comments:
Post a Comment